Inanunsiyo ni Philippine Azkals star Phil Younghusband ang kaniyang pagreretiro sa edad 32.
Isinagawa nito ang anunsiyo sa kaniyang live podcast nitong Lunes ng gabi.
Umabot sa 13 taon ang kaniyang international career sa football.
Itinuturing na siya ang top goal scorer na mayroong 52 goals at siya rin ang may hawak na record bilang most appearance sa national team na may kabuuang 108 matches.
Naging team captain ng Azkals si Younghusband matapos ang pagreretiro ni Rob Gier tatlong taon na ang nakakalipas.
Naging miyembro rin ito bilang reserve sa English football club na Chelsea.
Taong 2005 ng unang naglaro sa bansa.
Hindi malilimutan ang ginawang goal nito sa 2010 AFF Suzuki Cup sa Hanoi, Vietnam kung saan kahit na nabikitma ito ng food poisoning isang gabi bago ang laro ay nakapagtala ito ng 2-0 na panalo sa defending champion na Vietnam.
Nais nito na makilala siya bilang mabuting tao bago ang pagiging football player.