-- Advertisements --
Inamini ni Philippine Azkals Hans Michael Weiss na ito ay dismayado sa 1-1 draw na resulta ng laban nila ng Indonesia nitong Martes ng gabi sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila para sa second round ng FIFA World Cup qualifiers.
Sinabi nito na hindi siya makapaniwala magtatapos sa draw ang laban dahil sa pinaghandaan nilang mabuti ang laban.
Hindi rin nito itinanggi na ang ilang manlalaro niya ay wala sa kondisyon na makipagsabayan.
Gayuman ay nakita nito ang pagpupursige ng kaniyang mga manlalaro na maipanalo ang laban lalo na at nakuha nila ang unang goal sa loob lamang ng 18 minuto ng laro sa first half.
Susunod na laro ng Azkals ay sa Marso 21,2024 laban sa Iraq.