-- Advertisements --

Pinalawig pa ng Philippine Azkals ang kontrata ng kanilang coach na si Scott Cooper.

Dahil dito ay umaasa ang Philippine Football Federation (PFF) na mas magiging malakas ang tsansa ng Azkals sa Asian Cup at sa World Cup joint qualifiers.

Sinabi ni PFF President Mariano “Nonong” Araneta, na naging maganda ang performance ng Azkals sa pamumuno ni Cooper.
Itinalaga si Cooper na maging interim coach ng Azkals noong Setyembre 2018.

Pinalitan siya ni Sven-Goran Eriksson noong 2019 Asian Cup at bumalik bilang head coach nong Enero 2020.

Nasa pangatlong puwesto na ang Azkals sa Group A ng joint qualifiers na mayroong pitong puntos.

Nanguna dito ang Syria sa grupo na mayroong 15 points habang ang China ay mayroong seven points din.