-- Advertisements --

Pasok na sa finals ng 2021 Copa Paulino Alcantara ang Philippine Azkals Development Team (ADT).

Tinalo kasi ng koponan ang Stallion Laguna F.C. sa score na 2-1 sa laro na ginanap sa PFF National Training Center sa Carmona.

Naging bida sa panalo ng koponan si Yrck Gallantes matapos maipasok ang winning goal sa extra time.

Unang nakapagtala ng puntos ang Stallion sa pamamagitan ni Abraham Placito sa 53 minuto ng laro.

Naitabla naman ni ADT captain Jarvey Gayoso ang laro sa pamamagitan ng striking goal sa 67 minutes.

Naging hamon sa ADT matapos na magtamo ng hamstring injury si Gayoso subalit hindi pinabayaan nina Gallantes at Bias ang koponan.