-- Advertisements --

Umatras na sa pagsali sa Philippine Football League (PFL) ang Azkals Development Team.

Ang koponan na binubuo mula sa national youth teams ay nasa pang-apat na puwesto sa liga na mayroong pitong panalo, tatlong draw at 14 na talo.

Ilan sa mga dahlan ng pag-atras nila ay para pagtuunan ng pansin ang paglahok nila sa mga international competitions.

Ilan sa mga international competitions ay ang Southeast Asian Games.
Tinanggap naman ng PFL ang pag-atras ng ADT.

Ang ADT ay siyang pangalawang koponan na umatras na sa paglahok sa nasabing torneo na ang una ay ang United City.