-- Advertisements --

May nakatakdang dalawang training camps na isasagawa sa 2022 ang Philippine Azkals.

Ito ay bilang paghananda sa dalawang FIFA international windows ng 2023 AFC Asian Cup Qualifiers na magsisimula sa Hunyo.

Sinabi ni Azkals coach Stewart Hall na sa Enero at Marso ay isasagawa nila ang mga friendly match bilang preparasyon.

Dito aniya ay magpipili si Scott Coppter ang Azkals program director ng mga manlalaro para isabak sa nasabing mga torneo.

Mayroong kabuuang 11 koponan sa 24 bansa ang aabanse para sa AFC Asian Cup.