-- Advertisements --
Nabigo ang Philippine Azkals sa Singapore 2-1 sa pagsisimula ng 2020 AFF Suzuki Cup.
Sa first half ng laro ay walang nakapuntos sa laro na ginanap sa National Stadium, Singapore.
Unang nakapagtala ng puntos si Harris Harun ng Singapore sa 61st minuto.
Matapos ang tatlong minuto ay pumasok rin ang goal ni Faris Ramli para makuha ng home team na 2-0 kalamangan.
Nakapagtala ng unang goal ang Azkals sa pamamagitan ni United FC midfielder Amin Nazari sa 69th minuto ng laro.
Nangunguna na ang Singapore sa Group A na mayroong dalawang panalo at wala pang talo habang pang-apat na puwesto naman ang Azkals na mayroong isang draw at walang panalo.
Susunod na makakaharap ng Azkals ang Timor Leste sa Disyembre 11.