Itinuturing ng Philippine Azkals na magiging sulit ang kanilang sakripisyo sa hindi pagdiwang ng kapaskuhan para makalahok sa AFF Suzuki Cup na gaganapin sa Singapore ng hanggang Enero 1.
Target kasi nila na makauwi ng unang international trophy ang national football team ng bansa.
Nauna ng naantala ang nasabing laro dahil sa COVID-19 kaya nagdesisyon ang organizers na gawin ito sa centralized venue na mula Disyembre 5 hanggang Enero 1.
Ayon kay naturalized Azkal player Bienvenido Maranon na kakaiba ang kaniyang kasiyahan dahil ito ang unang pagkakataon na makapaglaro sa koponan.
Sinabi naman ni Azkals coach Scott Cooper na mahalaga ang pagsakripisyo para na rin sa kanilang sarili at sa pamilya.
Unang makakaharap ng Azkals ang Singapore sa Disyembre 8 na susundan ng Timor Leste sa Disyembre 11, Thailand sa Disyembre 14 at Myanmar naman sa Disyembr 18.
Ang dalawang top teams ay siyang aabanse sa knockout stage.