Napadpad ang Pilipinas sa Group A kasama ang China sa second round ng 2022 FIFA World Cup Asian qualifiers.
Kasama ng Azkals ang Syria, Maldives, at Guam sa grupo sa naganap na draw ceremony sa Malaysia.
Ayon sa mga tagapagmasid, naging paborable umano para sa Azkals ang draw upang makadagit ng puwesto sa Asian Cup sa ikalawang sunod na pagkakataon.
Ang China at Syria ang top-ranked teams sa group kung saan nasa ika-73 at ika-85 ang mga ito sa pinakahuling FIFA world rankings.
Nasa ika-124 naman ang Pilipinas at hindi nakalusot sa unang round ng qualifiers para sa mga bansang mababa ang puwesto.
Uusad sa third round ng World Cup qualiiers ang top teams sa bawat walong grupo at apat na best runners-up sa lahat ng pangkat.
Matatandaang hindi nakausad ang Pilipinas sa third round 2018 World Cup qualifiers matapos na pumangatlo lamang ito sa Group H, kasunod ng Uzbekistan at North Korea.