Nakasama ang Philippine Azkals sa Group A ng AFF Suzuki Cup 2020.
Sa isinagawang virtual draw ceremony, makakasama ng national football team ng bansa ang Thailand, Myanmar at Singapore.
Madadagan pa ang grupo sa sinumang manalo sa qualification match sa pagitan ng Brunei at Timor Leste.
Naiwasan ng Azkals na makasama ang kasalukuyang kampeon na Vietnam at runner-up na Malaysia na nasa Group B.
Kasama sa Group B ang mga bansang Indonesia, Cambodia at Laos.
Magugunitang nakapasok sa semifinal ang Azkals noong 2018 AFF Suzuki Cup ng makapagtala sila ng tatlong panalo at isang draw laban sa Indonesia at Thailand.
Dahi sa dalawang pagkakaantala ng mga mga laro bunsod ng COVID-19 pandemic ay itinakda na sa Disyembre 5, 2021 hanggang Enero 1, 2022 ang AFF Suzuki Cup.