Nahaharap sa must-win situation ngayon ang Philippine Azkals laban sa Thailand mamayang gabi sa AFF Suzuki Cup 2020 na ginaganap sa Naitonal Stadium ng Singapore.
Matapos kasi ang 7-0 na panalo nila nitong Sabado laban sa Timor Leste ay pinaghahandaan na nila ang Thailand na nasa unang puwesto sa Group A na mayroong anim na puntos.
Nasa pangalawang puwesto naman ang Singapore habang pangatlo ang Pilipinas.
Sa kasaysayan kasi ng AFF Suzuki Cup ay hindi na nananalo ang Azkals sa War Elephants ng Thailand.
Sinabi ni Azkals coach Stewart Hall na karamihan sa mga Azkals players ay hindi naninibago sa Thailand dahil sa makailang beses na nila itong nakaharap.
Naniniwala sila na maging ang Thailand ay hindi nagkukumpiyansa kapag kaharap ang Azkals dahil sa alam nila ang kalidad na laro na ipapamalas ng mga ito.