-- Advertisements --
Nakatakdang sumabak ang Philippine Azkal sa China sa buwan ng Hunyo para sa karugtong ng 2022 FIFA World Cup Asian Qualifiers.
Ito ay matapos na ianunsiyo ng Asian Football Confederation (AFC) na ang mga natitirang mga qualifiers sa 2022 World Cup at 2023 AFC Asian Cup ay gaganapin sa centralized venue.
Nasa group A kasi ang Azkals na ka-grupo nila ang China na kasama ang Syria, Maldives at Guam.
Habang ang Kuwait ay dalawang grupo ang host nito na kinabibilangan ng Australia, Jordan, Nepal at China at Taipei.
Makakalaban ng Azkals ang Guam sa June 3, habang mapapasabak sila s China sa Hunyo 7 at Maldives naman ang kakaharapin nila sa Hunyo 15.
Magugunitang ipinagpaliban ang nasabing mga laro noong 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.