-- Advertisements --
FGUqzmeVgAIDt f

Pinahiya ng Philippine Azkals ang bansang Timor-Leste sa nagpapatuloy na AFF Suzuki Cup 2020 na ginanap sa National Stadium sa Singapore.

Umiskor ng 7 ang Azkals at wala ni isang goal na naipasok ang Timor-Leste.

Ito ang unang panalo ng Pilipinas sa Group A ng tournament kasunod ng 2-1 loss sa host Singapore sa kanilang opening game noong Miyerkules.

Unang umiskor si Martin Steuble para sa Azkals sa ika-21 minuto ng laro at sinundan ng goals mula kay Amin Nazari at Angel Guirado.

Sa ika-40 minuto, naka-isang puntos si Patrick Reichelt para sa ika-apat na goal.

Bago naman nagtapos ang first half naka-goal pa si Jesper Nyholm at sinundan ng isang goal ni Bienve Marañon na kanyang kauna-unahang goal sa Pilipinas para iposte ang 6-0 lead.

Huling naka-score si Kevin Ingreso sa second half at sa ika-78 minute.

Sunod na makakasagupa ng Azkals sa crucial match ang Thailand sa Disyembre 14.