-- Advertisements --
Azkals
Philippine Azkals/ FB image

Itinuturing ng Philippine Azkals na do-or-die match ang laban nila ngayong araw kontra sa Matao football team ng Guam.

Sinabi ni Azkals team captain Stephan Schrock, nararapat na maipanalo nila ang nasabing laban matapos talunin sila noong nakaraang linggo ng Syria sa score na 5-2 na ginanap sa Bacolod City.

Hindi kasi nila mamaliitin ang Matao team kahit na nasa ranked 190 ang mga ito kumpara sa ranked 64 ang Pilipinas.

Gaganapin ang World Cup Qualifiying game ng Azkals at Matao team dakong ala-1:30 nitong hapon sa GFA National Training Center.