Sinimulan na ng Philippine Azkals ang kanilang training camp sa Doha, Qatar.
Bahagi ito sa kanilang paghahanda para sa FIFA World Cup at AFC Asian Cup qualifiers na gaganapin sa susunod na buwan.
Ilan sa mga manlalaro na kasama sa training camp ay sina Stephan Schrock, Mark Hartmann, Patrick Reichett at Angel Guirado.
Pinangunahan ni coach Scott Cooper ang national team kung saan mayroong 25-man team ang nagsasanay ngayon at hindi pa kasama dito si Spanish-born Bienve Maranon.
Magugunitang inaayos na ng mga opisyal ang mga dokumento ni Maranon para sa kaniyang naturalization.
Magtatapos ang training camp ng Azkals sa Mayo 31 at sila ay agad na magtutungo sa China para qualifying matches.
Makakharap nila ang Guam sa June 3 at June 9 habang ang Maldives naman sa Hunyo 15.