-- Advertisements --

Natapos ang kampanya ng Philippine Azkals U23 sa Asian Cup Qualifiers ng walang panalo.

Sa huling laban nila sa torneo ay hindi sila pinaporma ng Timor Leste sa score na 1-0 sa laro na ginanap sa Singapore.

Tanging si Zenivo Conceicao Mota ang nakapagtala ng goal para sa Timor Leste.

Dahil sa pagkatalo ay tuluyan ng na-eliminate ang Azkals mula sa qualifiers matapos matalo sa Singapore at South Korea.