Dumating kaninang Lunes hapon ang umaabot sa halos kalahating milyong mga Oxford-Aztrazeneca vaccine na donasyon mula sa United Kingdom.
Ang mga bagong dating na bakuna na umaabot sa 415,040 ay dumating sa NAIA dakong alas-4:17 ng hapon.
Ang mga bagong dating na vaccine ay bahagi ng siyam na milyong doses ng bakuna para sa iba’t ibang mga bansa.
Ang limang milyon sa mga ito ay inilaan sa COVAX global facility ng WHO.
Ang apat na milyon sa mga bakuna ay direktang ibibigay sa mga bansang nangangailangan, kasama na nga rito ang halos kalahating milyon na doses para sa Pilipinas.
Ang pagdating nito ay sinalubong naman ng ilang opisyal mmula sa IATF at sa embahada ng Britanya sa Pilipinas.
Sa panig nang gobyerno nanguna sa pagtanggap si NTF against COVID-19 Chief Implementer at vaccine czar Secretary Galvez Jr. at DFA Asec. Jaime Leda.
Sa panig naman ng United Kingdom dinaluhan din ito ni Ambassador to the Philippines Daniel Pruce at AstraZeneca Country Pres. Ramin Lotis.
“Today is such a powerful illustration of countries working together. The United Kingdom has been able to donate these 4,015,040 vaccines and it will be wonderful to see in the coming days and weeks, the govt of the Philippines deploy and administer these vaccines.” ani Pruce sa maiksing programa.