-- Advertisements --

BUTUAN CITY- Kinumpirma ng Department of Health-Caraga na mayroon ng na-detect na kaso ng B.1.1.7 variant ng COVID-19 nitong rehiyon matapos magpositibo ang ipinadalang mga samples sa University of the Philippines-Philippine Genome Center sa Department of Health para sa Whole Genome Sequencing o WGS.

Lumabas na isa sa tatlong mga samples ang nagpositibo sa B.1.1.7 variant habang dalawa ang isinailalim sa imbestigasyon dahil mayroong mutations.

Ang kinumpirmang B.1.1.7 variant sample ay isang Returning Overseas Filipino na nakatira sa Bislig City habang ang dalawang iba pa ay mga residente ng Bislig City,sa lalawigan ng Surigao del Sur at Buenavista, Agusan del Norte.

Sa ngayo’y nag-deploy na ang Regional Epidemiology and Surveillance Unit o RESU-Caraga ng karagdagang persoahe para sa mas mahigpit na imbestigasyon sa iba pang detalye sa mga pasyente.

Base sa IATF guidelines, lahat ng maga concerned Local Government Units o LGUs ay kailangang magpatupad ng quarantine at control measureskung saan kailangan magpakita ng negative result ng RT-PCR test bago matapos ang isolation at bago pa man ma-tag bilang recovered.

Samantala ang mga kaso na nakalabas na sa isolation ay kinailangan pa ring sasailalim sa strict home quarantine habang naghihintay sa negative result ng inulit na RT-PCR test.

Sa ngayon asymptomatic ang mga kaso na bago lang na-detect habang ang B.1.1.7 variant case din inilagay na sa quarantine facility ng LGU at ang dalawa pa na kaso nakakomple to na sa 14 day ng quarantine na walay ipinakitang sintomas ng virus ngunit kinailangan pa rin ang muling pagsailalim sa RT-PCR test.

Sa ngayon, nanawagan ang DOH Caraga sa publiko na kailangan maging mapagbantay at patuloy na sundin ang Minimum Public Health Standards (MPHS) at daling e-report sa mga health facilities nga kahit na aniong clustering ng kaso para mapabilis, napapanahon at naangkop na aksyon.