-- Advertisements --
Nagtala na ng bansa ng unang kaso ng COVID-19 variant na B.1.1318.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang unang kasong naitala ay isang 34-anyos na lalake na dumating sa bansa noong Marso 5,2021.
Nakulekta ang kaniyang sample noong Marso 10 at ito ay gumalig noong Marso 21.
May travel history ito sa United Arab Emirates at ito ay residente sa Bacolod City.
Paglilinaw pa nito na ang nasabing variant aniya ay under monitoring kaya hindi agad nila ito naiulat.
Magugunitang itinuturing ng World Health Organization na ang nasabing variants ay nasa “variants under monitoring” noong Hunyo 2,2021 at ito ay mayroong 14 mutations kabilang ang kasalukuyan na uri na Delta at Beta variants.