-- Advertisements --

Nangako ang Boeing Company na handa itong magbigay ng $100 million o halos anim na bilyong piso sa mga locla governments at nonb-profit organizations upang maghatid tulong sa mga pamilyang naapektuhan nang naganap na pagbagsak ng 737 MAX aircrafts sa Ethiopia at Indonesia.

Layunin ng kumpanya na muling maibalik ang nasirang imahe ng isa sa pinaka malaking planemaker sa buong mundo matapos ang insidente na ikinamatay ng 346 katao.

Naging target ng U.S Department of Justice para sa criminal investigation ang naturang kumpanya kung saan humaharap ito sa 100 kaso na isinampa ng pamilya ng mga biktima.

Nais ng kumpanya na gamitin ang $100 milyong dolyar upang makatulong sa edukasyon at pang-araw araw na gastusin ng pamilya.

Sa kabila nito, hindi naman nagbigay ng karadagang detalye ang kumpanya kung anu-anong organisasyon ang makatatanggap ng pera.