-- Advertisements --

Karangalan pa rin para kay Tracy Perez ang pagiging kinatawan niya ng bansa sa ginanap na Miss World 2021 noong nakaraang linggo.

Unang pahayag ito ni Perez, isang linggo matapos ang Miss World coronation at kasabay ng kanyang 29th birthday kahapon.

Ayon sa Cebuana model/industrial engineer, hangad niya na proud pa rin ang mga kababayang Pinoy kahit bigo siyang masungkit ang pangalawa sanang Miss World crown para sa bansa.

Napabalik-tanaw din ito sa kanyang Miss World journey kasabay ng paglisan na nito sa Puerto Rico na siyang naging host country at nagbabalak na agad bumalik sa naturang bansa.

“My @missworld journey has officially come to an end now that i’ve left the beautiful island of Puerto Rico! Spent the week there only with the best people and the best experiences, I can’t wait to be back and once again explore the wonders of the island of enchantment 🤍” saad nito.

Para kay Perez, “eye-opening” at “life-changing” ang kanyang karanasan sa Miss World stage at alam niyang simula pa lamang ito ng kanyang tunay na kapalaran.

Sa ngayon ay mayroon pa lamang isang korona ng Miss World ang Pilipinas sa pamamagitan ni Megan Young noon pang 2013.