-- Advertisements --
Elisa Mae Ilas

Humaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang babae matapos tanggapin ang package na naglalaman ng party drugs na nagkakahalaga ng P16.9 million.

Sa ngayon nakaditine na sa pasilidad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang suspect na kinilalang si Elisa Mae Ilas na naaresto sa Barangay Tatalon, Quezon City.

Ayon kay Ilas naglalaman ang package ng aabot sa 10,000 tablets ng party drug na ecstasy pero hindi raw alam ng suspek kung sino ang nagpadala sa kanya ng naturang package.

Sinabi naman ng PDEA na dumating ang package sa Clark International Airport mula sa bansang Belgium noong Nobyembre 3.

Sa magkahiwalay namang statement, sinabi ng Bureau of Customs (BoC) na ang mga illegal drugs ay nakalagay sa apat na bed sheets mula sa shipment na idineklarang bed sheets, lady bag, relo, sapatos at tela.

Ang operasyon ay isinagawa nang pinagsanib na puwersa ng PDEA, Enforcement and Security Service (ESS)-Customs Anti-Illegal Drug Task Force (CAIDTF) at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS).