-- Advertisements --

Nahaharap ngayon sa reklamong paglabag sa anti-bomb joke law o Presidential Decree 1727 ang isang pasaherong babae sa Light Rail Transit Line 1 (LRT-1), Baclaran station.

Ayon kay Police Col. Bernard Yang, hepe ng Pasay City Police, nagbiro ang babae habang nasa loob ng istasyon kaya marami ang nakarinig.

Ang nasabing pasahero ay maaaring makulong o pagmultahin, depende sa naging epekto ng kaniyang “bomb joke.”

Kaya naman, muling nagpaalala ang PNP sa publiko na iwasan ang mga ganitong biro dahil posibleng magdulot ng panic, takot, stampede at iba pa na makakaapekto sa pangkalahatang katahimikan.