-- Advertisements --
CEBU CITY – Sa kulungan ang bagsak ng isang babae at sinasabing kalaguyo nito matapos umanong maaktuhan na nagtatalik sa Liloan, Cebu.
Itinago ang mga naaresto sa pangalang sina “Grace,” 38, at “Pablo,” 34.
Ayon kay M/Sgt. Jason Gayo ng Liloan Police Station, dumulog sa kanilang tanggapan ang asawa ng babae na isang overseas Filipino worker (OFW) sa United Arab Emirates.
Ito’y matapos umanong mabatid ng mister na nagtataksil pala ang kanyang misis.
Batay sa impormasyon, nagpanggap ang mister na babalik na ito sa UAE at nagtago ng limang araw para manmanan ang kanyang misis.
Dito na raw nito nakumpirma na may kalaguyo ito.
Sa ngayon, nahaharap sa kasong adultery ang misis at kanyang lalaki.