CENTRAL MINDANAO – Patay na ng matagpuan ang isang babae na posibleng biktima umano ng summary execution sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang biktima na si Honey Abdul Kadatuan, 26, may asawa at residente ng Rosales St., Barangay Rosary Heights 6, Cotabato City.
Ayon sa mga residente ng Barangay Taviran, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao nakarinig sila ng mga putok ng baril dakong alas-3:00 ng madaling araw at kinaumagahan ay nakita nila ang bangkay ng biktima.
Nagtamo ng tama ng bala sa ulo, likod at dibdib si Kadatuan resulta ng agarang kamatayan nito.
Sinabi ng mga kamag-anak ng biktima na lagi umanong pumupunta ang biktima sa Brgy Taviran sa kanyang mga kakilala o kaibigan.
Sa ngayon ay blangko pa ang Datu Odin Sinsuat PNP sa pamamaril patay sa biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.