-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay ang isang babae matapos pagsasaksakin ng kanyang mismong live-in partner sa Lucena City.

Kinilala ang biktima na si alyas Ronalyn, 28-anyos, residente ng Brgy. 5, sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Offiice, napag-alaman na habang nasa mainit na argumento ang biktima at suspek na kinilalang si alyas Ryan, 29-anyos, residente rin ng nasabing lugar sa loob ng kanilang bahay ng mauwi ito sa pananaksak ng suspek sa biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na matapos ang insidente, chinop-chop pa ng suspek si alyas Ronalyn sa tatlong bahagi at inilagay sa tatlo rin na sako at saka inilibing sa silong ng kanilang bahay.

Ayon pa sa mismong suspek, June 30 pa nangyari ang nabanggit na krimen.

Samantala, sa salaysay pa ni alyas Ryan, bago ang nasabing krimen, noong March 2023 mayroon na umano silang pinatay ni alyas Ronalyn na kinilalang si alyas Analyn na kung saan kanila itong isinilid sa isang plastic drum at inilibing sa silong ng kanilang bahay.

Mismong ang suspek naman ang nagturo sa katawan ng dalawang indibdwal na nakalibing sa silong ng kanilang bahay.

Sa ngayon, nasa kostodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang kaparusahan.