-- Advertisements --

LEGAZPI CITY — Sugatan ang isang babae sa Pio Duran, Albay matapos gilitan ng kapitbahay nito dahil sa pagiging chismosa umano nito.

Kinilala ang biktima na si Evelyn Orbigo, 44, habang ang salarin ay si Rizaldy Pallan, 58, kapwa residente ng Brgy. Macasitas.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni police Maj. Joseph Jarabejo, hepe ng Pio Duran Municipal PNP, na away sa pagitan ng dalawang sangkot ang ugat ng insidente.

Batay sa ulat, nabatid na napikon si Pallan nang tawagin itong supot ni Orbigo.

Sa ngayon nagpapagaling na ang biktima dahil sa tinamong sugat sa leeg, dibdib at iba pang bahagi ng katawan

Inihahanda naman ang mga dokumento para sa kasong isasampa sa salarin.