(Update) BACOLOD CITY – Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis ukol sa pagpatay sa isang babae sa tapat mismo ng Metro Bacolod District Jail kahapon ng hapon.
Sa panayam ng Bombo Radyo sa commander ng Police Station-8 na si Police Major Charles Gever, riding-in-tandem criminals ang pumatay sa biktima na si Crystal Faith Jastiva ng Bago City, Negros Occidental ngunit temporaryong nakatira sa Bacolod.
Dakong alas-3:10 kahapon ng hapon nang pinatay ang biktima sa Magsaysay Avenue, Bacolod City.
Sa likod ng kanyang ulo ang tama nito na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
Ayon kay Gever, bumisita ang biktima sa kanyang live-in partner na si Kirby Andrada sa MBDJ bago ito pinatay.
Hindi isinasantabi ng hepe na maaaring may kinalaman sa iligal na droga ang motibo sa krimen dahil ang live-in partner ng biktima ay nakulong matapos mahuli sa drug buy bust operations nakaarang buwan.