ROXAS CITY – Arestado ang dalawampu’t pito taong gulang na babae matapos nakunan ng hinihinalaang iligal nga droga sa loob mismo ng Panitan Municipal Police Station habang dumadalaw sa live-in partner nito nahuli sa comelec checkpoint noong Setyembre 7.
Kinilala ang suspek na si Lorefe Mae Distor Cordial, residente ng Barangay Pantalan, Carles, Iloilo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Roxas kay Police Major Amie Bulaqueña, hepe ng Panitan Municipal Police Station, ilang beses na pumupunta si Cordial sa istasyon para dalawin ang nakakulong na live-in partner.
Habang ini-eksamin ng duty personnel ang gamit ni Cordial, nakita dito ang 4 na aluminium foil at iba pang drug paraphernalias.
Ni request pa ng pulis na ipakita ang laman ng bulsa ni Cordial at itaas ang pang-itaas na damit, at dito na nahulog ang isang papel kung saan nakabalot ang hinihinalaang iligal na druga.
Napag-alaman na live-in partner ni Cordial ang isa sa nahuli ng kapulisan sa Comelec Checkpoint noong Setyembre 7 sa Barangay Poblacion Ilawod, bayan nga Panitan matapos makunan ng calibre 45 pistol at 7 bala.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Cordial.