LAOAG CITY – Inihayag ni P/Lt.Col. Adrian Gayuchan, hepe ng Philippine National Police sa lungsod ng Batac dito sa lalawigan ng Ilocos Norte na sumuko ang isang babae na dating miyembro ng New People’s Army.
Aniya, ang gobierno sa bansa ay may mga proyektong nagbibigay ng tulong sa mga sumukong dating miyembro ng New People’s Army.
Ayon sa Philippine National Police sa naturang lungsod, dating magsasaka at pumapasok sa mga part time job ang surrenderee para magbigay ng tulong pinansyal sa kanyang pamilya.
Sinabi ni Gayuchan na ang dating miyembro ng New People’s Army ay katutubo sa nasabing bayan at marami ang naging kasamahan niya sa nasabing grupo ngunit sila ay pumanaw na.
Dagdag pa niya na dati siyang nagsilbi bilang medic sa grupo at nag-operate sila sa mga probinsya ng Ilocos Sur, Abra at dito sa Ilocos Norte.
Samantala, ayon sa dating miyembro ng New People’s Army, siya ay na-recruit hanggang bumalik siya sa ilalim ng gobyerno nang siya ay tumanda na.