-- Advertisements --

Matagumpay na naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang babae na hinihinalang biktima ng mail-bride syndicate sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Kinilala ni BI Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) Chief Mary Jane Hizon ang biktima na si alyas Amy, 27 anyos.

Batay sa datos , naharang ang biktima noong January 2, 2025 nang tangkain nito na na iwasan ang inspeksyon ng immigration at nagpanggap na turista na may flight patungong Bangkok, Thailand.

Nabigo ang biktima ng kaukulang dokumento partikular na ang kanyang pasaporte at boarding pass.

Ayon kay alias Amy , hawak ito ng isang lalaki na nakilala nito sa isang restaurant sa NAIA Terminal 3.

Sinubukang ipakita ng biktima ang larawan ng kanyang pasaporte at boarding pass at natuklasan na ito may pekeng immigration stamp.