-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Dalawang anggulo ang tinitingnan ng pulisya sa pagpatay sa isang babae na itinapon sa damuhang bahagi ng Reformville, Brgy. Calumpang, Gensan at nasa advance state of decomposition na.

Ayon kay P/Major Robert Fores, Hepe ng Calumpang Police Station na posibleng love triangle at druga ang itinuturong dahilan.

Ayon kay Flores na kalunos-lunos ang sinapit ng biktima na si Gina Guilaran 38 taong gulang may asawa at residente ng Pacman Village Brgy. Calumpang nitong lungsod.

Sinabi umano ng asawa ng biktima na gumagamit sila ng ipinagbabawal na gamot gayong may karelasyon ito sa hindi kilalang lalaki.

Hindi rin masabi ng pulisya bakit hindi dumulog sa police station ang asawa gayong isang linggo ng missing ang biktima.

Pagdududa ng mga otoridad na ginawa ang pagpatay sa isang silid dahil narekober sa crimescene ang comforter, floormat, bedsheet at iba pa.

Hindi rin masabi ng pulisya kung paano pinatay ang biktima.