-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Nasawi ang isang babae na nalasing sa inuman matapos mahulog sa tulay sa bayan ng Burgos, sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay PCapt. Jesus Tambalo, Deputy Chief of Police ng Burgos Police Station, madaling araw nang may tumawag sa kanilang himpilan upang ipaalam na may nangyaring insidente sa Madulig bridge sa nasabing bayan.

Agad naman nila itong pinuntahan at lumalabas sa isinagawang imbistigasyon, galing ang biktima sa kanilang bahay at nagkaroon ng kasiyahan, ngunit nang ihahatid na ang bayaw ng biktima na nakatira malapit sa tulay ay biglang nagpaiwan ito sa gitna ng tulay dahil sa kadahilanang nahihilo na raw ito.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, habang naglalakad ang kaniyang biyenan at mga pamangkin ay bigla na lang silang nakarinig ng sigaw at doon na nawala ang biktima dahil sa nahulog na pala ito sa ilalim ng tulay.

Nakatawag pa naman ang mga ito ng tulong sa baranggay at naitakbo pa ito sa pinakamalapit na hospital ngunit kalaunan ay binawian din ng buhay.

Hinala naman ng mga ito ay dumungaw ang biktima sa tulay hanggang sa tuluyan na itong nahulog.

Wala namang nakikitang foul play sa nangyaring insidente.