-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nailigtas ang isang babae sa nabuwal na punong kahoy na bumagsak sa kanyang bahay nitong gabi ng Huwebes sa Cotabato City.

Agad namang nagresponde si Mayor Bruce Matabalao,BFP,PNP at mga rescuers ng CDRRMO sa bahagi ng San Vicente, Bagua 3, Cotabato City.

Ligtas ang biktima ngunit nakaranas ito ng sobrang takot nang bumagsak ang puno ng kahoy sa kanyang tahanan.

Nabuwal ang puno dahil sa malakas na ulan at hangin dulot ng sama ng panahon.

Nagpaalala naman ang Alkalde sa mamamayan ng syudad na mag-ingat para iwas disgrasya.