-- Advertisements --

VIGAN CITY – Dead on arrival ang isang babae na kumuha ng shells sa dagat sa Brgy. Katipunan, Sinait, Ilocos Sur.

Ang biktima ay nakilalang si Myrnalita Iloreta Icat, 57-anyos, walang trabaho na residente sa nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay PMaj. Franco Catalan sa Sinait Municipal Police Station, mayroong epilepsy ang biktima na siyang pinaniniwalaang rason ng pagkalunod nito sa dagat habang kumukuha ng shells.

Kahit kasama nito ang kapatid niyang si Analyn Layungan ay nagkalayo sila ng lugar na pinagkukuhanan ng shells kayat hindi ito napansin ang biktima noong umatake ang kaniyang epilepsy.

Nakita na lamang umano ng kapatid nito na palutang lutang na ang biktima sa gilid ng dagat kaya humingi sila ng tulong sa otoridad.

Agad na rumesponde ang mga otoridad at isinilbi pa nila ang first aid at idinala ang biktima sa Ilocos Sur District Hospital ngunit idineklara dead on arrival.

Dahil sa pangyayari ay ipinaalala ni Catalan sa lahat ng magtutungo sa dagat na kapag may kasamang kasapi ng pamilya na mayroong sakit at siguraduhin na may kasama at nababantayan ang mga ito upang hindi mapahamak.