-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Patay on the spot ang isang babae sa pamamaril sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si alyas Aida na residente ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Ayon sa ulat ng pulisya na kagagaling lang umanong maningil ng pautang ang biktima nang itoy pagbabarilin ng riding in tandem suspects sa Barangay Awang sa bayan ng Datu Odin Sinsuat.

Mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Cotabato City.

Agad binawian ng buhay ang biktima nang magtamo ng tama ng bala sa ulo at likod.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng DOS PNP sa pamamaril patay sa biktima.