-- Advertisements --

Natagpuan nang walang buhay sa loob ng isang palutang-lutang na maleta ang isang babae sa San Jose del Monte, Bulacan pasado 6:00pm ng gabi.

Ayon sa incident report mula sa Barangay 188 ng Caloocan, nakapagtala ng isang blotter report ang barangay na mayroong isang nawawalang minor de edad noon pang Pebrero 7.

Batay naman sa imbestigasyon, huling namataan ang dalagita kasama ang kaibigan nito na nagpupumilit na isama ang biktima sa kanilang bahay kung saan naroroon ang mapangabuso nitong asawa.

Isang CCTV footage naman ang nagpapakita na parang hindi sigurado ang biktima na magpunta sa bahay nito dahil baka siya pa umano ang mapagbuntuan ng galit ng asawa ng kaibigan nito.

Sa hiwalay na footage naman ay huling nakita ang biktima na patungo sa bahay ng kaniyang kaibigan sa North Caloocan.

Sa ngayon naman ay may natukoy nang mga persons of interest ang mga otoridad para sa pagusad ng kaso sa pagpatay sa biktima.