-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Patay ang isang babae samantala sugatan naman ang isa pa sa nangyaring shooting incident sa Barngay Sta. Clara, Bobon Northern Samar.

Kinilala ang namatay na si Amy Capoquian, 45 taong gulang at residente ng Brgy. Magsaysay, Bobon, Northern Samar samantala ang sugatan naman ay kinilala na si Enrico Tipasi, 45 taong gulang at residente ng Dalakit, Catarman, Northern Samar.

Ayon kay PLt. Paterno Naga Jr., hepe ng Bobon municipal police station, na galing ang dalawang biktima sa isang burol at nang pauwi na ang mga ito ay bigla ang mga itong sinalubong ng isang motorcycle rider at nagpaulan ng bala.

Dead on the spot naman ang babaeng biktima samantala nadala sa ospital ang lalaki.

Batay naman sa inisyal na imbestigasyon, na target sana ng mga suspek sa naturang insidente ang lalaking biktima at nadamay lang ang kasama nitong babae.

Bago ang insidente ay nakatatanggap na ng tawag ang lalaki ng mga tawag mula sa hindi pa kilalang caller.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyo ng mga kapulisan sa kung ano ang motibo at dahilan ng naturag insidente.