-- Advertisements --

NAGA CITY – DEAD-ON-ARRIVAL ang isang babae matapos masagasaan ng isang kotse sa Barangay Sabang Uno, Calauag, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Wendy Rose Roldan, residente ng naturang lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabagtas ng behikulo na minamaneho ni Gil Gomez, 53-anyos, residente ng Lot 2 B18A Bonifacio Street, Barangay Sabang Uno, sa naturang bayan ang kahabaan ng nasabing kalsada nang masagasaan nito ang biktima habang tumatawid ito sa kalsada.

Agad naman na dinala sa ospital ang biktima para sa asistensya medikal ngunit idineklara ring dead-on-arrival ng mga doktor.

Sa ngayon nakahanda naman umano ang magkabilang panig na mag-areglo na lamang sa labas ng korte.