-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay ang isang babae matapos na pagbabarilin sa Sariaya, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Aiza Magboo, 34-anyos residente ng Brgy. Guis Talon sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nakatayo ang biktima sa loob ng isang kubo sa isang resort ng bigla na lamang dumating ang isang hindi pa nakikilalang suspek at biga na lamang pinagbabaril ang biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na dahil sa insidente nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong pagkamatay.

-- Advertisement --

Samantala, agad namang tumakas ang suspek kasama ang isa pa nitong kasabwat sakay ng motorsiklo matapos ang insidente.

Nakuha naman sa pinangyarihan ng insidente ang apat na fired cartridges cases at dalawang bala ng hindi pa malamang kalibre ng baril.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad maging ang pagtukoy sa posibleng kinaroroonan ng mga suspek.