VIGAN CITY – Natagpuang ang bangkay ng isang dalaga sa kanyang inuupahang dormitoryo sa Brgy. Tamag, Vigan City.
Nakilala ang biktima na si Jeza Arola, 25-anyos residente ng Brgy. Naguimba, Banayoyo at suspek na kanyang dating kasintahan na si Dennis Raquel, 27-anyos at residente ng Brgy. Poblacion, Banayoyo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay PLt. Col. Franklin Ortiz, officer in charge ng Vigan City Police Station, nagtungo sa kanilang tanggapan ang kapatid ng biktima at ipinaalam ang karumaldumal na krimen na kanyang nagawa.
Agad na nagtungo ang kapulisan a JM Boarding House at tumambad sa kanila ang bangkay ng biktima at ang suspek na si Raquel.
Aniya, ginamit umano ng suspek ang isang cord ng cell phone charger upang sakalin ang biktima hangga sa ito ay mawalan ng malay at mamatay.
Lumalabas sa imbestigasyon ng kapulisan na gustong ayusin ng suspek ang kanilang relasyon hanggang sa mayroong hindi pagkakaintindihan ang dalawa at nangyari a pananakal.
Sa ngayon inihahanda na ng PNP ang kaukulang kaso laban sa suspek na nagtangka magpakamatay pagkatapos ng krimen.