-- Advertisements --

NAGA CITY-Patay ang isang babae pagkatapos na malunod sa Tayabas City.

Kinilala ang biktima na si Marry Joy Diala, 26-anyos, residente ng Brgy. Opias, sa nabanggit na siyudad.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nadiskubre na lang ang wala nang buhay na katawan ng biktima sa isang irigasyon malapit sa bahay ng pamangkin nito na kinilalang si Maricel Placina.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na bago pa ang insidente,, mag-isa aniya na nag-lalaba si Diala sa nabanggit na irigasyon at nakakaramdam ng pagkahilo dahil sa kanyang pagbubuntis at sakit na epilepsy.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad tungkol sa nabanggit na insidente.