-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para matuklasan kung sino ang suspek sa pagbaril na nagresulta sa pagkasawi ng isang babae sa Budac, Tayum, Abra nitong Biyernes ng umaga.
Nakilala ang biktima na si Cherry Millare Belisario, 39-anyos, residente ng Budac, Tayum, Abra.
Batay sa report, nakasakay ang biktima sa tricycle nito at pauwi na sana nang pinagbabaril ito ng suspek na nagresulta sa kanyang kamatayan.
Ayon sa mga awtoridad, nangyari ang pamamaril ilang metro lamang ang layo mula sa quarantine control point ng Brgy. Budac.
Inaalam din ng mga pulis ang motibo sa nasabing pamamaril.