-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Binawian ng buhay ang isang babae sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Jomarie Ibao,32 anyos,alyas Nali at residente ng Sitio Kalingahon Barangay Noa Magpet North Cotabato.

Ayon sa ulat ng Antipas PNP na nagluluto lamang ang biktima sa loob ng bahay ng kanyang ka-live-in partner sa Purok 5-B Barangay Poblacion Antipas Cotabato ng bigla itong pasukin ng hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang salarin na sumakay ng motorsiklo sa naghihintay nitong kasama sa gilid ng national highway.

Patay on the spot ang biktima nang magtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo, dibdib at likod.

Sa ngayon ay blangko pa ang Antipas PNP sa motibo sa pamamaril patay sa biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.