-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang babae sa pamamaril alas 6:10 nitong gabi ng Lunes sa probinsya ng Cotabato.

Ang biktima ay nakilala lamang na si alyas Neneng at hindi pa tukoy ang totoong pagkakakilanlan.

Ayon sa ulat ng Pigcawayan PNP na nakarinig ng mga putok ng baril ang mga residente sa gilid ng national highway sa Barangay Manuangan Pigcawayan Cotabato.

Nang usisahin ng mga sibilyan ay nakita na lamang ang biktima na duguan at wala nang buhay.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pigcawayan PNP sa pamumuno ni Major Carl Jayson Baynosa sa pamamaril patay sa biktima.