-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Patay ang 23-anyos na babae matapos binaril ng holdupper sa loob mismo ng kanyang sasakyan sa Barangay Tangub, Bacolod City kaninang umaga.

Kinilala ang biktimang si Angelica Montalvo, residente ng Purok Lison, Barangay Banago sa nasabing siyudad.

Batay sa imbestigasyon ng Bacolod Police Station 8, naka-park ang sasakyan ng biktima sa harap ng Medical Plaza sa B.S. Aquino Drive pasado alas-7:00 ng umaga at kasama nito ang kanyang live-in partner sa loob nang biglang pumasok ang suspek.

Nagdeklara umano ng hold-up ang suspek habang tinututukan ng baril ang ulo ni Montalvo at sinabihan na patakbuhin ang kotse dahil sila ay pupunta sa Barangay Cabug.

Pagdating sa Oroland sa Barangay Tangub, binaril ng suspek ang biktima at ito ay tinamaan sa ulo.

Dinala pa si Montalvo sa Bacolod Adventist Medical Center ngunit idineklarang patay.