-- Advertisements --
Nagsagawa ng kilos protesta ang mga kababaihan sa Afghanistan.
Inirereklamo kasi ng mga ito ang bagong hijab requirement ng Taliban sa mga paaralan.
Sa bagong batas kasi ng Taliban ay papayagan nila ang mga kababaihan na mag-aral sa mga unibersidad subalit dapat sila ay hiwalay sa mga kalalakihan.
Dapat rin ay magsuot sila ng mga hijabs bilang bahagi sa pagsunod sa Sharia Law.
Dahil dito ay may ilang mga kababaihan ang nagsuot ng mga makukulay na damit.