-- Advertisements --

Arestado ang isang babae sa Florida matapos nitong di-umano’y saktan ang kaniyang nakitang sea turtle sa Miami Beach, Florida.

Humaharap sa kasong felony of molesting marine turtles ang suspek na kinilalang si Yaqun Lu, 41-anyos. Ito ay matapos siyang mahuli ng pulis na akmang aapakan ang pagong.

Sinigurado naman ng Florida Fish and Wildlife Conservation Commiission na walang nasaktan o nasira na itlog ng pagong.

Simula Abril hanggang Nobyembre ay may tatlong uri ng pagong ang namamalagi sa Miami Beach, ito ang loggerhead, green at leatherback

Nasa ilalim din ng batas sa Florida na iligal na gawain nag pananakit sa mga sea turtles, tirahan at pati na rin sa mga itlog nito.

Si Lu ay isang Chinese national na kasalukuyang naninirahan sa Hudsonville, Michigan.

Ayon sa mga otoridad ay ipinaalam na nila ang paghuli kay Lu sa Chinese consulate sa Houston at napag-alaman din na walang nakalistang abogado para sa suspek.

Umaabot sa halos 90% ng mga sea turtles sa Estados Unidos ang namamalagi sa Sunshinw State, ayon sa Greater Fort Lauderdale Convention at Visitors Bureau.