-- Advertisements --

Nagtala ng record ang isang 48-anyos na babae matapos na akyatin ang Mount Everest ng 10 beses.

Si Lhakpa Sherpa na isang single mother mula sa Nepal ay siyang unang babae na nakaakyat ng 10 beses sa tinaguriang pinakamataas na bundok sa buong mundo.

Huling umakyat kasi ito sa nasabing bundok noong 2018 sa taas na 29,031.60 talampakan.

Kuwento nito na noong unang beses niyang naakyat ang Mt. Everest ay parang natupad na na niya ang kaniyang pangarap.

Nais lamang niya na patunayan na mayroong kakaibang kakayahan ang mga kababaihan sa kanilang lugar kaya halos taon-taon na itong umaakyat sa Mount Everest.

Nagsimula itong umakyat noong 2000 at pagdating ng 2003 ay nakuha niya ang record na unang babae na tatlong beses na ng nakaakyat sa nasabing bundok.