-- Advertisements --
Greenville South Carolina
Greenville South Carolina

Nakaligtas ang isang babae sa South Carolina sa panggagahasa matapos na kagatin niya ang ari ng suspek.

Ayon sa hindi na pinangalanang biktima, dinukot ito ng isang 61-anyos na suspek na si Dennis Slaton.

Kuwento ng biktima, may kausap itong kaibigan at sila ay magkikita sana subalit dumating ang suspek na sakay ng kaniyang truck.

Agad itong dinukot ng suspek at binantaan na siya ay papatayin.

Nakalabas lamang siya sa bahay ng suspek ng walang saplot matapos na kagatin nito ang ari ng suspek.

Mabilis namang naaresto ang suspek subalit ito ay nakalabas na rin matapos na maglagak ito ng piyansa na nagkakahalaga ng $75,000 o mahigit P3.8 million.